Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
Posts by ABS-CBN Fact Check
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Peke at AI-generated ang kumakalat na larawan ng diumano’y pag-aresto kay dating Ako-Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa Prague, Czech Republic. Wala ring inilabas na larawan ang gobyerno ng Pilipinas o Czech Republic kaugnay nito.
@news.abs-cbn.com
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
Sa isa pang screenshot na kumalat, makikita na nilapatan ang nasabing screenshot ng ibang logo at hindi ang tunay na logo ng ABS-CBN News, at pinalitan ng ibang petsa ang post na inilabas noong April 8.
Ang totoo, ang inilabas ng ABS-CBN News noong April 8 na may caption na pareho sa mababasa sa isang screenshot ay Facebook reel at quote card. Ang larawan na ginamit ay hiwalay na ulat ukol sa 75th anniversary ng diplomatic relations ng Holy See at Pilipinas sa parehong araw.
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Manipulado ang mga kumakalat na screenshot ng social media posts ng ABS-CBN News. Ipinalalabas ng mga ito na gumamit at nagmanipula ang ABS-CBN News ng mga lumang larawan nang iulat nito ang kalagayan ni President Ferdinand Marcos Jr.
@news.abs-cbn.com
Ugaliing kumuha ng mga lehitimong impormasyon sa www.abs-cbn.com at sa mga opisyal na social media account ng ABS-CBN News upang hindi malinlang.
Samantala, nauna nang nagbababala ang SEC laban sa mga pekeng impormasyon tulad ng “inside information,” “hot tips,” at tsismis na nangangako ng diumano’y mabilisan at malaking kita.
www.sec.gov.ph/investors-ed...
Ayon sa pekeng ulat, ang “Invescorum” ay konektado sa mga institusyon tulad ng Securities and Exchange Commission, o SEC, ngunit hindi ito nakalista bilang rehistradong kompanya.
checkwithsec.sec.gov.ph/check-with-s...
Iba rin ang posisyon ng logo, navigation bar, at ang pagkakalagay ng mga section tulad ng News, Entertainment, at iba pa. Hindi rin tugma ang disenyo at posisyon ng search button, horoscope, at iba pang features kumpara sa orihinal na website ng ABS-CBN News.
Ginamit sa pekeng website ang interface at disenyo ng ABS-CBN News at ang pangalan ng journalist nitong si Arthur Fuentes. Ang pekeng website ay may link na autf-sed.top at hindi ang lehitimong Uniform Resource Locator, o URL, ng ABS-CBN News na abs-cbn.com/news.
Walang ulat ang ABS-CBN News tungkol sa isang investment platform na diumano’y ineendorso ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan maaring kumita ng malaking halaga ng pera sa loob ng isang linggo.
@news.abs-cbn.com
Ugaliing kumuha ng mga lehitimong impormasyon sa abs-cbn.com at sa mga opisyal na social media account ng ABS-CBN upang hindi malinlang.
Ini-upload sa ABS-CBN YouTube Channel ang buong talumpati ni Sotto sa SiLaK forum sa parehong araw na ginanap ito. Sa kabuuan ng kanyang talumpati, wala siyang binanggit tungkol sa pangulo o anumang pahayag na may kinalaman sa pakikidigma. youtu.be/0nZu4Do1vws
Batay sa reverse image search, maaaring kuha ang litrato ni Sotto sa Sikhay Laban sa Korapsyon (SiLaK) forum ng Office of the Ombudsman noong Dec. 9, 2025. Makikitang tugma ang suot ni Sotto at ang kanyang background sa video ng naturang forum at sa nasabing ad.
Ginamit sa isang ad ng Facebook page na "M immo design" ang mga logo ng ABS-CBN at TV Patrol. Inilapat ang mga ito sa isang litrato ni Sotto na nagtatalumpati upang pagmukhaing lehitimong ulat ng nasabing programa.
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Walang ulat ang TV Patrol na inudyukan diumano ni Pasig City Mayor Vico Sotto si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magdeklara ng digmaan, taliwas sa sinasabi sa isang Facebook ad. Wala ring batayan na may naging ganitong pahayag si Sotto.
@ABSCBNNews
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Walang inanunsyong “energy lockdown” sa Pilipinas dahil sa diumano’y kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa. Nauna na itong pinabulaanan ng Malacañang at sinabing walang nakikitang posibilidad na ipatupad ito sa bansa sa kasalukuyan.
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Itinanggi ni ABS-CBN News anchor Jeff Canoy ang kumakalat na diumano’y pahayag niya na sumusuporta at nananawagang iboto si Vice President Sara Duterte.
@news.abs-cbn.com
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Manipulado ang kumakalat na larawan na nagpapakitang iniulat ng TV Patrol na diumano’y espiya ng China si Vice President Sara Duterte. Walang ganitong ulat ang ABS-CBN News.
@news.abs-cbn.com
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
#ABSCBNFactCheck Rating: NO BASIS
Walang opisyal na anunsyo tungkol sa diumano’y malawakang brownout sa bansa dahil mauubos na ang suplay ng petrolyo sa April 15, 2026. Nilinaw ng Department of Energy na may suplay pa ang bansa hanggang sa katapusan ng April.
@news.abs-cbn.com
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Hindi ibinasura ang impeachment case ni Bise Presidente Sara Duterte sa Kamara. Sa katunayan, kasalukuyang hinihintay ang kanyang sagot sa dalawang kasong nakahain laban sa kanya bago magpatuloy ang pagtalakay sa mga ito.
@news.abs-cbn.com
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...
#ABSCBNFactCheck Rating: FALSE
Hindi totoong may class and work suspension sa Pilipinas dahil sa diumano’y pag-atake ng Iran. Clickbait ang mga post. Pinagsasamantalahan nito ang pag-aalala ng mga Pilipino dahil sa giyera sa West Asia, o kilala bilang Middle East.
@news.abs-cbn.com
Basahin dito ang buong ulat: www.abs-cbn.com/news/nation/...